Mga lider ng Aprika, sinimulan ang misyong pangkapayapaan sa Ukraine

2023-06-17 17:45:21  CMG
Share with:

Sinimulan kahapon, Hunyo 16, 2023, ang misyong pangkapayapaan ng isang delegasyon ng mga lider ng mga bansang Aprikano na gaya ng Timog Aprika, Senegal, Zambia, Comoros, at Ehipto, para pasulungin ang pagbibigay-wakas sa sagupaan ng Rusya at Ukraine.

 

Nang araw ring iyon, nakipag-usap sa Kyiv ang delegasyon kay Pangulong Volodymyr Zelenskyy ng Ukraine. Dadalaw rin sila sa Rusya, para makipag-usap kay Pangulong Vladimir Putin.

 

Sinabi ni Pangulong Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika, na ang layunin ng misyong ito ay para pakinggan hindi lamang ang Ukraine, kundi rin ang Rusya at iba pang mga bansa. Ibabahagi rin nila ang pananaw ng mga bansang Aprikano, dagdag niya.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos