Estratehiyang pang-ekonomiya ng Rusya, mabisa — Vladimir Putin

2023-06-18 14:11:56  CRI
Share with:

Sinabi sa St. Petersburg International Economic Forum, Hunyo 16, 2023 ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na noong ika-2 kuwarter ng nagdaang taon ang pinakamahirap na panahon para sa kabuhayang Ruso.


Pero, alinsunod sa katotohanan, mabisa aniya ang serye ng estratehiyang isinagawa ng kanyang bansa noong panahong iyon, at dahil dito, lumitaw ang tunguhin ng paglaki ng kabuhayan.


Sinabi ni Putin na sa kabila ng napakaraming kahirapan noong isang taon, aktibong nakilahok ang Rusya sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.


Hindi isasarado ng Rusya ang pinto nito sa labas, at handa itong lumikha ng kinakailangang kondisyon para sa pagnenegosyo ng mga dayuhang mangangalakal sa bansa, diin ni Putin.


Ayon sa ulat, hanggang katapusan ng kasalukuyang taon, lalaki ng 1% hanggang 2% ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng Rusya.


Salin: Lito

Pulido: Rhio