Noong Oktubre 15, 2001 ay ika-88 kaarawan ni Xi Zhongxun, ama ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Dahil dito, maraming miyembro ng pamilya ang nagpunta sa tahanan niya para magpahayag ng pagbati at magdiwang.
Pero, dahil sa napakaraming trabaho, di nakauwi si Xi Jinping, na noon ay gobernador ng probinsyang Fujian.
Sa halip, isang liham ang ipinadala niya para sa kanyang ama.
Dito, ipinahayag ni Xi Jinping ang napakalalim na damdamin, at maraming namanang ginintuang aral mula sa ama.
Aniya, “sa pamamagitan ng inyong napakalawak at napakalaking pag-ibig, naimpluwensyahan ang mga nakapaligid na tao. Parang isang ‘matandang maaasahang kalabaw,' matahimik kang nagsasakripisyo para sa mga mamamayang Tsino. Ito ang aking inspirasyon sa paglilingkod sa mga mamamayan sa buong buhay ko.”
Makaraang basahin ni Xi Zhongxun ang liham, ipinahayag niya ang lubos na pagkaunawa sa absensya ni Xi Jinping.
Aniya, mas mahalaga ang gawain, at mas mahalaga ang suliraning pang-estado. Ang paglilingkod sa mga mamamayan ay pinakamalaking paggalang sa mga magulang na maaaring ibigay ni Xi Jinping.
Ito ang masidhing paghikayat ni Xi Zhongxun para kay Xi Jinping.
“Tagapaglingkod ako ng mga mamamayan,” ito ang ideya ng pangangasiwa na palagiang iginigiit ni Xi Jinping.
Salin: Lito
Pulido: Rhio