Kamakaila’y magkakasunod na bumisita sa Tsina ang mga American business tycoon bilang pagtutol sa mga mapanirang tinig sa pamamagitan ng iba't-ibang kilos.
Kaugnay nito, isang sarbey ang isinagawa sa mga kinatawan mula sa 200 kompanyang Tsino’t dayuhang kalahok sa isang bangkete sa Beijing kaugnay ng gaganaping unang China International Supply Chain Expo (CISCE).
Saklaw ng nasabing sarbey ang 8 iba’t-ibang larangan at industriyang kinabibilangan ng malusog na pamumuhay, malinis na enerhiya, intelehenteng sasakyang de-motor, serbisyo ng kadena ng suplay, didyital na agham, at iba pa.
Ayon sa resulta, ipinalalagay ng 63% ng mga kompanya sa industriya ng didyital na agham, na ang pandaigdigang panganib na pulitikal ang pinakamalaking elementong nakaka-apekto sa kanilang negosyo sa Tsina.
Tungkol sa kalagayan ng kadena ng suplay, ipinalalagay ng 3/4 ng nasabing mga kompanya, na sa loob ng darating na 5 taon, magiging mas malaki ang pag-asa ng didyital na agham ng global supply chain sa Tsina.
Samantala, umaasa ang mga kompanya na magkakaroon ng mas maraming kasosyo't order sa pamamagitan ng gaganaping unang CISCE.
Dagdag ng nasabing mga kompanya, gusto nilang magkaroon pa ng mas maraming pakikipagkooperasyon sa Tsina.
Sa pamamagitan ng aktuwal na kilos, ipinakikita ng mga kompanyang Tsino’t dayuhan na hindi nagmumula sa Tsina ang mga panganib na nakakaapekto sa kanilang negosyo.
Salin: Lito
Pulido: Rhio