Mapagkaibigang pagbisita ng Chinese naval training ship “Qijiguang” sa Pilipinas, masayang nagtapos

2023-06-18 14:10:38  CRI
Share with:

Isang maringal na seremonya ng paglisan ang idinaos ng pamahalaan ng Pilipinas kaugnay ng pagtatapos ngayong araw, Hunyo 17, 2023 ng mapagkaibigang pagbisita ng Chinese naval training ship “Qijiguang” sa bansa.

Sa pananatili sa Pilipinas, idinaos ng nasabing training ship ang 5 bukas na aktibidad.


Kasama ng embahadang Tsino sa bansa, ipinamigay ng bapor ang mga disaster relief material sa apektadong lugar ng bulkang Mayon.

Inihatid din nito ang mga materyal na panaklolo kay Manuel Mamba, Gobernador ng probinsyang Cagayan upang tulungan ang mga apektado ng bagyo.


Bukod pa riyan, isang resepsyon ang idinaos sa bapor, gabi ng Hunyo 15, na dinaluhan ng halos 300 personaheng Tsino at Pilipino.


Salin: Lito

Pulido: Rhio