Mula “lider ng mga mamamayan” hanggang “tagapaglingkod ng mga mamamayan” — Kuwento nina Xi Jinping at kanyang ama

2023-06-18 16:19:56  CRI
Share with:


Ngayong araw, Hunyo 18, 2022 ay Araw ng Ama.


Kaugnay nito, minsa’y hinikayat ni Xi Zhongxun ang kanyang anak na si Xi Jinping na huwag kalimutan ang buong sikap na paglilingkod sa mga mamamayan


Ito ay hindi lamang kahilingan ng ama sa anak, kundi pamana rin ng naunang dalawang henerasyon ng mga miyembro ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

Sa opisina ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, may isang litrato kung saan makikitang naglalakad siya kasama ang amang si Xi Zhongxun, kilalang rebolusyonaryong Tsino, asawa at anak na babae.

Si Xi Zhongxun

Malaki ang impluwensya ni Xi Zhongxun sa buhay, trabaho at personal na karakter ni Xi Jinping, at makikita ito sa isang liham na ipinadala ni Xi Jinping sa kanyang ama.


Sa ika-88 kaarawan ni Xi Zhongxun noong Oktubre 15, 2001, maraming miyembro ng pamilya ang nagpunta sa tahanan niya para magpahayag ng pagbati at  magdiwang.


Pero, dahil sa napakaraming trabaho, di nakauwi si Xi Jinping, na noon ay gobernador ng probinsyang Fujian.


Sa halip, isang liham ang ipinadala niya para sa ama.


Dito, ipinahayag ni Xi Jinping ang napakalalim na damdamin, at maraming namanang ginintuang aral mula sa ama.

Aniya, “sa dahil sa inyong napakalawak at napakalaking pag-ibig, naimpluwensyahan ang mga nakapaligid na tao. Parang isang ‘matandang maaasahang kalabaw,' matahimik kang nagsasakripisyo para sa mga mamamayang Tsino. Ito ang aking inspirasyon sa paglilingkod sa mga mamamayan sa buong buhay ko.”


Makaraang basahin ni Xi Zhongxun ang liham, ipinahayag niya ang lubos na pagkaunawa sa pagliban ni Xi Jinping sa kanyang kaarawan.


Aniya, mas mahalaga ang gawain, at mas mahalaga ang suliraning pang-estado.


Para kay Xi Zhongxun, ang paglilingkod sa mga mamamayan ay maituturing na pinakamalaking paggalang na maaaring ibigay ni Xi Jinping sa kanya.


Ito rin ang masidhing paghikayat ni Xi Zhongxun para sa anak. 


“Tagapaglingkod ako ng mga mamamayan,” ito ang ideya ng pangangasiwa na palagiang iginigiit ni Xi Jinping.


Si Xi Zhongxun naman ay isang “lider mula sa mga mamamayan.”


Madalas niyang sinasabing siya ay anak ng mga magsasaka, at palagian niyang itinuturing ang sarili bilang isang miyembro ng uring manggagawa. 


Nang manungkulan siya noong 1943 bilang Kalihim ng Komiteng Prepektural ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa bayang Suide, probinsyang Shanxi ng Tsina, pinaglingkuran ni Xi Zhongxun ang 520 libong mamamayan.


Namana ni Xi Jinping ang kasipagan at praktikal na atityud ng kanyang ama.

Noong siya ay nakatalaga sa Zhengding, tinungo ni Xi Jinping ang lahat ng nayon doon; sa Ningde, nilakbay-suri niya ang siyam na bayan sa tatlong buwan, matapos ang kanyang pagdating; sa Zhejiang, ginamit niya ang isang taon para puntahan ang lahat ng 90 bayan, lunsod, at distrito ng probinsya; sa Shanghai, ginugol niya ang pitong buwan para bisitahin ang 19 na bayan ng buong lunsod.


Malinaw na nakikita ng mga mamamayan, ang napakasipag na pagpupunyagi ni Xi Jinping sa mga gawaing pampubliko.

Sapul noong  2012, bilang pinakamataas na lider ng Partido at bansa ng Tsina, inaalala pa rin ni Xi Jinping ang turo ng kanyang ama. “Huwag kalimutan ang buong sikap na paglilingkod sa mga mamamayan.” Ito ang aral mula sa ama, at orihinal na inspirasyong palagian niyang isinasagawa.


Sa mata ni Xi Jinping, ang kanyang unang silid-aralan ay pamilya, at ang mga magulang ay ang kanyang unang mga guro.


Sa silid-aralang ito nakuha ni Xi Jinping ang ginintuang pananaw mula sa ama.


Salin: Lito

Pulido: Rhio