CMG Komentaryo: Welkam sa Tsina

2023-06-19 17:49:13  CMG
Share with:

Noong gabi ng Hunyo 15, naglaro sa Beijing Workers Stadium ang national football team ng Argentina at Australia para sa isang friendship match.


Habang naglalaro, mainit na tinanggap ng mga manonood na Tsino ang Argentinian team at si Lionel Messi, para ipakita, hindi lamang ang pagmamahal ng mga mamamayang Tsino sa football at palakasan, kundi ang pagiging bukas, simpatiko at hospital ng mga mamamayang Tsino.


Ang naturang katangian ng mga mamamayang Tsino ay malaki ang pagkakaiba sa stereotype na nilikha ng mga media ng kanluraning bansa.


Kung alam lang nila ang tunay na mamamayang Tsino, dapat puntahan ang Tsina mismo.


Sa pamamagitan ng pagbisita ng Argentinian football team sa Tsina, muling ipinakita nito sa daigdig ang tunay na kalagayan ng Tsina, na punong-puno ito ng kasiglahan at mahigpit ang pakikipagkontak sa daigdig.


Nagustuhan ng Tsina at kanyang mga mamamayan ang pagbisita ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa upang mapalalim ang kaalaman at pagkakaibigan sa isa’t isa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil