FM ng Saudi Arabia, dumalaw sa Iran

2023-06-19 15:52:10  CMG
Share with:

Dumalaw Hunyo 17, 2023 sa Iran si Faisal bin Farhan Al Saud, Ministrong Panlabas ng Saudi Arabia. Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng ministrong panlabas ng Saudi Arabia sa Iran nitong 7 taong nakalipas.


Ipinahayag ni Hossein Amir-Abdollahian, Ministrong Panlabas ng Iran, na nagpalitan ang dalawang ministrong panlabas ng palagay hinggil sa pagpapahigpit ng kooperasyon sa kabuhayan, turismo at seguridad ng panrehiyon.


Pinasalamatan niya ang tulong ng Saudi Arabia sa pagbubukas muli ng Embahada at mga Konsulada ng Iran sa bansang ito.


Ipinahayag ni Faisal na sa muling pagbubukas ng Embahada at mga Konsulada ng Saudi Arabia sa Iran, patuloy na lalalim ang kooperasyon at relasyon ng dalawang bansa.


Ayon sa ulat ng media ng Iran, kinatagpo noong gabi ng Hunyo 17 si Faisal ni Pangulong Seyyed Ebrahim Raisi ng Iran. Tinalakay ng dalawang panig ang hinggil sa bilateral na relasyon, at kalagayang panrehiyon.


Ipinahayag ni Raisin na ang paglaban sa terorismo at ekstremismo ay isa sa mga pangunahing kooperasyon ng dalawang panig, at naputol ang relasyon ng dalawang bansa noong 2016.


Sa pamamagitan ng medyasyon ng Tsina, idinaos ng mga kinatawan ng dalawang bansa ang diyalogo sa Beijing noong nagdaang Marso at isinapubliko ng Tsina, Saudi Arabia at Iran ang magkasanib na pahayag na ipinatalastas ang pagsang-ayon ng Saudi Arabia at Iran sa pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko.


Noong Abril 6, 2023, nilagdaan ng Saudi Arabia at Iran ang magkasanib na pahayag na ipinatalastas ang pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko mula araw ring iyon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil