Premyer Tsino, dadalo sa ika-14 na Summer Davos Forum

2023-06-21 12:26:02  CMG
Share with:

 

Ipinatalastas kahapon, Hunyo 20, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na si Premyer Li Qiang ng Tsina ay dadalo sa ika-14 na Summer Davos Forum ng 2023 Annual Meeting of the New Champions ng World Economic Forum na idaraos Hunyo 27 sa Tianjin, Tsina.

 

Bibigkas si Li ng keynote speech sa seremonya ng pagbubukas at magsasagawa siya ng diyalogo at pagpapalitan sa mga kalahok na kinatawan ng mga bahay-kalakal sa porum na ito.

 

Ang tema ng porum na ito ay “Entrepreneurship: The Driving Force of the Global Economy”.

 

Dadalo din sa porum na ito sina Mia Mottley, Punong Ministro ng Barbados, Luvsannamsrai Oyun-Erdene, Punong Ministro ng Mongolia, Chris Hipkins, Punong Ministro ng New Zealand, Pham Minh Chinh, Punong Ministro ng Biyetnam at Ngozi Okonjo-Iweala, Director General ng World Trade Organization (WTO).

 

Bukod dito, sa paanyaya ni Premyer Li, magsasagawa rin sina Mia Mottley, Luvsannamsrai Oyun-Erdene, Chris Hipkins at Pham Minh Chinh ng opisyal na pagdalaw sa Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil