Sa kanyang talumpati sa ika-53 pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) Hunyo 22, 2023, hinimok ng kinatawang Tsino ang Hapon na tumpak na pakitunguhin ang makatwirang pagkabahala ng komunidad ng daigdig sa isyu ng pagtatapon sa dagat ng nuklear na kontaminadong tubig.
Sinabi ng kinatawang Tsino na ang buong tigas na isinusulong ng panig Hapones ang pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat ay lumalabag sa obligasyon ng “United Nations Convention on the Law of the Sea.”
Inililipat aniya ng kilos ng Hapon ang panganib ng kontaminasyong nuklear sa buong sangkatauhan, at grabeng nakakapinsala sa kalusugan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.
Salin: Lito