Ang pag-unlad ng Tsina ay nagkakaloob ng pagkakataon para sa daigdig — premyer Tsino

2023-06-23 10:52:46  CRI
Share with:

Paris — Sa kanyang pakikipagtagpo Hunyo 22 (lokal na oras), 2023 kay Charles Michel, Presidente ng European Council, tinukoy ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Unyong Europeo (EU).


Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Europeo upang mapalakas ang kanilang kooperasyon sa mga larangang tulad ng berdeng kaunlaran, kabuhayan at kalakalan, at didyital.


Ani premyer Li, sa halip ng panganib, ang pag-unlad ng Tsina ay nagkakaloob ng pagkakataon para sa daigdig, at nakakapagbigay ng katiyakan sa halip ng epekto, sa kadena ng industriya at pagsuplay sa buong mundo.


Umaasa aniya siyang obdiyektibo at rasyonal na pakikitunguhin ng panig Europeo ang pakikipagkooperasyon sa Tsina upang magkasamang mapangalagaan ang mabuting kalagayan ng pragmatikong kooperasyong Sino-Europeo.


Dapat ding palakasin ng Tsina at Europa ang pagtitiwalaan upang resolbahin ang pagkabahala sa pamamagitan ng kooperasyon ng kapuwa panig, diin pa ni premyer Li.


Ipinahayag naman ni Michel na iginigiit ng EU ang prinsipyong isang-Tsina.


Nakahanda aniya ang EU na palakasin ang pakikipagsanggunian at pakikipagpalitan sa panig Tsino para mapasulong pa ang relasyong Europeo-Sino, at makakapit-bisig na lutasin ang mga pandaigdigang problemang gaya ng pagbabago ng klima, at kalusugan.


Nakakabuti ang pag-unlad ng Tsina para sa EU at daigdig, at walang anumang intensyon ang EU na pigilin ang pag-unlad ng Tsina, ani Michel.


Nagpalitan din ng kuru-kuro ang kapuwa panig tungkol sa krisis ng Ukraine.


Salin: Lito