Paris — Sa kanyang pakikipagtagpo Hunyo 22 (lokal na oras), 2023 kay Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, tinukoy ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na bilang kapuwang pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council (UNSC) at responsableng malaking bansa, ang Tsina at Pransya ay may komong estratehiko’t holistikong ideya.
Nakahanda aniya ang panig Tsino na patuloy na palakasin ang pakikipagsanggunian at pakikipagtulungan sa panig Pranses sa mga suliraning pandaigdig upang magkasamang harapin ang mga pandaigdigang hamon at mapasulong ang kapayapaan at katatagang pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Macron ang lubos na pagpapahalaga ng kanyang bansa sa relasyong Pranses-Sino.
Aniya, iginigiit ng Pransya ang prinsipyong isang-Tsina, at nakahanda ang panig Pranses na magsikap kasama ng panig Tsino upang mapalalim ang kanilang kooperasyon sa mga larangang gaya ng abiyasyon, enerhiyang nuklear, at agrikultura.
Nagpalitan din ng palagay ang kapuwa panig tungkol sa krisis ng Ukraine at mga isyung pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.
Salin: Lito