Kailangang magbayad sa pamamagitan ng bagong salapi sa kalakalang pandaigdig — Luiz Inacio Lula da Silva

2023-06-24 13:59:21  CRI
Share with:

Sa kanyang pagdalo sa Summit for a New Global Financing Pact sa Paris, ipinahayag Hunyo 23 (lokal na oras), 2023 ni Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva ng Brazil, na kailangang magbayad sa pamamagitan ng bagong salapi sa kalakalang pandaigdig.


Sapul nang manungkulan bilang pangulo ng Brazil noong Enero ng kasalukuyang taon, sa maraming okasyong pandaigdig, ipinahayag ni Lula ang kanyang posisyong dapat pasulungin ang de-dollarization sa pandaigdigang kalakalan.


Salin: Lito