Paris — Sa kanyang talumpati Hunyo 23 (lokal na oras), 2023 sa seremonya ng pagpipinid ng Summit for a New Global Financing Pact, tinukoy ni Premyer Li Qiang ng Tsina na sa mula’t mula pa’y pinahahalagahan ng panig Tsino ang isyu ng pag-unlad at pangangasiwa ng mundo.
Sa harap ng problema ng kaunlaran sa daigdig, nanawagan aniya ang Tsina na palakasin ang kooperasyon ng komunidad ng daigdig upang magkakasamang resolbahin ang mga problema ng mga umuunlad na bansa sa usaping ito.
Ipinahayag ni premyer Li na nitong ilang taong nakalipas, magkakasunod na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ang Global Development Initiative, Global Security Initiative, at Global Civilization Initiative, na nakakatawag ng malawakang reaksyon ng komunidad ng daigdig.
Ani Li, bilang mahalagang puwersang tagapagpasulong sa kabuhayang pandaigdig, sustenableng nagkakaloob ang Tsina ng kasiglahan sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Bilang responsableng malaking bansa sa daigdig, mataimtim na tinutupad ng Tsina ang “United Nations (UN) Framework Convention on Climate Change” at “Paris Agreement,” bagay na nakakapagbigay ng napakalaking pagsisikap sa pagharap sa pagbabago ng klima, saad niya.
Kaugnay ng pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon, iniharap ni premyer Li ang 3 mungkahing kinabibilangan ng una, dapat buong tatag na pasulungin ang reporma sa pangangasiwa sa pinansiyang pandaigdig upang makalikha ng mabuting kapaligiran ng pangingilak ng pondo ng mga umuunlad na bansa; ikalawa, dapat buong tatag na itatag ang global development partnership para magkaloob ng mas maraming yamang pangkaunlaran sa mga umuunlad na bansa; ikatlo, dapat buong tatag na isulong ang globalisasyon at malayang kalakalan para makapagbigay ng bagong puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng mga umuunlad na bansa.
Ipinahayag naman ng mga kalahok na lider na dapat makakapit-bisig na magtulungan ang iba’t-ibang panig, igiit ang multilateralismo, lubos na igalang ang kalagayang pang-estado ng iba’t-ibang bansa, pabutihin ang pagsasa-ayos sa kabuhayang pandaigdig, bawasan ang di-pantay na kalagayan at karalitaan sa buong mundo, magkakasamang harapin ang pagbabago ng klima, pangalagaan ang biodibersidad, at pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng buong daigdig.
Nangulo sa nasabing summit si Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, at dumalo rito ang mahigit 60 lider ng mga bansa, at namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig.
Salin: Lito