Ayon sa pahayag, Hunyo 24, 2023, ni Yevgeny Prigozhin, Tagapagtatag ng Wagner Mercenary Group (WMG), itinigil na ng kanyang mga tropa ang lahat ng aksyon sa loob ng Rusya at bumalik na rin sila sa kani-kanilang mga kampo.
Nauna rito, nag-usap sina Prigozhin at Pangulong Alexander Lukashenko ng Belarus.
Tinanggap ni Prigozhin ang mungkahi ni Lukashenko hinggil sa pagtigil ng martsa sa loob ng Rusya at gamitin ang mga hakbangin para mapahupa ang kasalukuyang tensyon.
Samantala, sumang-ayon naman ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na mag-exile sa Belarus si Prigozhin at iu-rong ang lahat ng kriminal na kaso laban sa kanya at kanyang mga tauhan.
Matatandaang nag-usap, umaga ng Hunyo 24 sina Putin at Lukashenko at sumang-ayon silang isagawa ang magkasanib na aksyon.
Pagkatapos nito, nakipag-usap si Lukashenko kay Prigozhin.
Ipinahayag ng Kremlin na sa malapit na hinaharap, aalisin nito ang “hakbang ng paglaban sa terorimo” dahil sa pag-aalsang naganap noong Hunyo 24.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio