Natapos, Hunyo 24, 2023, ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang pagdalaw sa Alemanya at Pransya, at matiwasay siyang nakabalik sa Beijing.
Sa kanyang pakikipagpalitan sa mga personahe mula sa sirkulong pulitikal, industriyal at komersyal ng naturang dalawang bansa, ipinagdiinan ni Premyer Li na ang pag-unlad ng Tsina ay nagkakaloob ng pagkakataon sa buong daigdig sa halip ng hamon.
Malinaw namang ipinahayag ng mga lider ng Alemanya at Pransya ang kanilang pagtutol sa “decoupling o pagkalas,” at sa bloc confrontation sa anumang porma.
Sa maligalig at nagbabagong situwasyong pandaigdig, ang pagkakasundo sa “di-pagkalas” at pagpapasulong ng kooperasyon ng Tsina at Europa ay nakakapaghatid ng mas maraming katiyakan sa daigdig.
Layon ng biyahe ni Premyer Li sa Europa ang pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyong Sino-Europeo.
Sa loob ng kasalukuyang Europa, iba’t-iba ang tinig tungkol sa pakikipagkooperasyon sa Tsina.
Sa kanyang pagdalaw, maraming beses na inilahad ni Li ang mga posisyon at paninindigan ng panig Tsino na kinabibilangan ng matatag na pagkatig sa globalisasyong pangkabuhayan, di-pagbabago ng mabuting tunguhin ng kabuhayang Tsino sa pangmalayuang panahon, at malawak na prospek ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Europa.
Nakuha ng mga ito ang positibong reaksyon ng panig Europeo.
Ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Europa.
Kaugnay nito, may napakalaking pangangailangan ang Tsina at Europa sa kooperasyon, at mapayapang relasyong pangkalakalan ng kapuwa panig.
Kung magkasamang tututulan ng Tsina at Europa ang “pagkalas” at igigiit ang tunay na multilateralismo, mas malaking makikinabang ang dalawang panig sa pag-unlad ng isa’t-isa.
Ito rin ay angkop sa kapakanan ng buong mundo.
Salin: Lito
Pulido: Rhio