PM ng Tsina’t Barbados, nag-usap

2023-06-26 14:56:35  CMG
Share with:

Sa pag-uusap, Hunyo 25, 2023 sa Beijing nina Premyer Li Qiang ng Tsina, at Punong Ministro Mia Mottley ng Barbados, ipinahayag ng premyer Tsino, na ang Barbados ay matalik na kaibigan ng Tsina sa rehiyong Caribbean, at kasama ng Barbados, nakahanda ang Tsina na ibayo pang palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan at kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

 

Sinabi pa ni Li na suportado niya ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Barbados.

 

Naiintintihan din aniya ng Tsina ang espesyal na pagkabahala ng mga umuunlad na bansang isla, gaya ng Barbados sa usapin ng pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Nakahanda ang Tsina upang tulungan ang mga bansang isla sa paglutas sa mga kahirapan at pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad, saad ni Li.

 

Pinasalamatan naman ni Mottley ang mga tulong ng Tsina sa pagpuksa ng kanyang bansa sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Kasama ng Tsina, nakahanda aniya ang Barbados na pahigpitin ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan at magkasamang pagharap sa mga pandaigdigang hamong gaya ng pagbabago ng klima.

 

Saad pa niya, matatag na tinututulan ng kanyang bansa ang “decoupling,” kinakatigan ang sistema ng multilateral na kalakalang ang nukleo ay World Trade Organization, at sinusuportahan ang katatagan ng kadena ng suplay at industriya ng buong daigdig.

 

Matapos ang pag-uusap, magkasamang sinaksihan ng dalawang lider ang paglagda sa mga dokumento ng kooperasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio