Vlog ni Sissi: Food Festival sa Philipine Embassy

2023-06-27 15:47:32  CRI
Share with:


Hello po, mga kaibigang Pinoy, ito po si Sissi. Kung gusto ninyong tikman ang pinaka-authentic na panlasang Pinoy dito sa Beijing, saan ba dapat tayo pumunta?

 

Bukod sa Mesa Madre at lutong bahay ng mga kaibigang Pinoy, meron isa pang pagpipilian at ito ang Philippine Embassy sa Tsina.

 

Halika, tara samahan ninyo ako dito sa “Uncover the taste of the Philippine Islands.”

 

Alam na alam ng Philippine Embassy ang panlasa ng mga Tsino. Inihanda ba naman nila ang mga pagkaing Pinoy tulad ng BBQ, panghimagas, lechon, sisig, lumpiya, adobo, halo-halo, atbp.

 

Kahit may kamahalan ang presyo kumpara sa Pilipinas, puwedeng gamitin ng mga bisita ang kupon na ipinamimigay ng embahada kapag pumasok sila sa food festival at tikman ang pagkain at inumin nang libre.

 

Matagal na akong hindi nakakain ng Philippine food pagkaraang bumalik ako dito sa Tsina. Crispy pata, chicken adobo, Bicol Express, bulalo, tapos yung mango bravo ng Kotis, blueberry danish ng French Baker, halo-halo ng milkway café, ilan lang sa mga miss na miss kong pagkaing Pinoy.

 

Bukod sa pagtikim ng mga pagkaing Pinoy, meron pang ibang maliliit na booth sa pasukan ng food festival na nagdidispley o nagbebenta ng mga produktong Pinoy.

 

Kay ganda ng mga freezer magnet na dinala ni Pinoy artist Jensen Moreno. Bumili ako ng tatlo para sa pamilya ko.

 

Ito si Ate Carol, founder ng bebebalm, isang skincare brand na gumagamit ng virgin coconut oil bilang main ingredient para sa kanilang produkto. Magaling magsalita si Ate Carol ng Chinese at sa kanyang magandang ngiti, naengganyo niya akong bumili ng tatlo bebebalm.

 

Popular lagi ang mga prutas galing sa Pilipinas Na gaya ng papaya, pinya at mga Durian na pormal na pumasok sa pamiliang Tsino nitong nagdaang Abril. Um…creamy, matamis, sariwang sariwa, ganda.

 

Napaka-exciting naman ng mga performance sa itaas at ibaba ng main stage. Mararamdaman ninyo ang love and passion ng tropical island sa pamamagitan ng sayaw, palaro, pag-perform ng Filipino martial arts na Arnis at banda.

 

Ayon kay Mary, chief editor ng Travel Leisure magazine ng Tsina, ang pinaka-kaakit-akit na bagay ng Pilipinas ay musika. Magaling ang expressiveness ng mga Pinoy singer at banda, kung saan mahirap makita ito sa ibang lugar sa Southeast Asia.

 

Meron pang hair braiding, Henna Tattoo, at pagsusuot ng Barong at Baro’t Saya. Magtatry ako... Matagal na rin akong hindi nakakasuot ng Baro’t Saya at noon pa yun para sa new year party. Pero maganda ba ako?

 

Sa food festival, na-meet ko si Emb. Jaime A. FlorCruz at napakabait niya lagi sa mga tao. Na-meet ko din ang mga old friend at sina Sir Ramil at Rhio, abalang-abla sila bilang photographer at sa pagtatanghal ng Arnis. Si Tiffany naman ay aking younger sister na nag-aral ng Filipino sa Beijing Foreign Studies University.

 

Video Editor: Sissi


Pulido: Ramil