CMG Komentaryo: Mga sinabi ng mga turistang Hapones sa tunay na anyo ng Xinjiang

2023-06-28 13:48:17  CRI
Share with:

“Paalam Xinjiang…”


Kasama ng kanyang mga kaibigan, lumisan mula sa Xinjiang Hunyo 27, 2023 ang isang dalagitang Hapones na si Watanabe Yumi.


Nitong 9 na araw na nakalipas, isang grupong turistang Hapones na binubuo ng 20 katao, ang magkakasunod na bumiyahe sa mga lugar ng Xinjiang upang maranasan ang kaugaliang lokal at kulturang Xinjiang.


Ano ang tunay na anyo ng Xinjiang?

Sa isang aktibidad ng pangangalap sa pagbisita sa Xinjiang na itinaguyod ng embahadang Tsino sa Hapon, aktibo itong nilahukan ng mga mamamayang Hapones na kinabibilangan nina Watanabe Yumi at kanyang mga kaibigan.


Habang bumibisita sa sakahan ng bulak, nalaman ng mga turistang Hapones na 2 araw lang ang kailangan upang maitanim sa 20 ektaryang sakahan ang bulak, at 5 oras lang ang kailangan para makapag-spray ng pesticide sa pamamagitan ng propesyonal na unmanned aerial vehicle (UAV).


Sinabi ni Inoue Akihiko, isang turistang Hapones, na ang kanyang nakita ay ganap na magkaiba sa umano’y “napilitang pagtatrabaho” na pinupukaw ng mediang Hapones, dahil maagang naisakatuparan sa Xinjiang ang mataas na mechanization.


Sa pabrika ng bulak, habang nakita ni Watanabe ang awtomatikong instalasyon ng pag-ikid na may mataas na episiyensya at mga masayang manggagawa, nagduda siya sa isyu ng umano’y “karapatang pantao sa Xinjiang” na pinupukaw ng media ng kanyang bansa.

Saad ni Watanabe, tiyak niyang ibabahagi ang mga katotohanan na kanyang nakita sa social media upang malaman ng mas maraming tao ang tunay na Xinjiang.


Lubos na nabighani sa ganda ng Xinjiang ang isang matandang si Momotaro.


Bago umuwi, pumunta siya sa isang night market upang bumili ng isang doppa, isang uri ng sumbrerong may katangian ng lahing Uygur, na naging alaala ng kanyang di-makakalimutang biyahe sa Xinjiang.


Bukod pa riyan, ipinakita ng datos ang tunay na anyo ng Xinjiang.


Noong katapusan ng taong 2020, napawi ang kasukdulang karalitaan sa Xinjiang.


Noong unang kuwarter ng kasalukuyang taon, umabot sa mahigit 57.4 bilyong dolyares ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Xinjiang. Ito ay higit na mas malaki ng 4.9% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.


Samantala, noong unang 5 buwan ng taong ito, nakatanggap ang Xinjiang ng mahigit 72.7 milyong person-time na turista at mas malaki ito ng 34.91% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.


Salin: Lito

Pulido: Ramil