Xi Jinping, nakipagtagpo sa punong ministro ng Barbados

2023-06-28 09:49:19  CMG
Share with:

Nakipagtagpo Martes, Hunyo 27, 2023 sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Mia Mottley, Punong Ministro ng Barbados.

 

Idiniin ni Xi na dapat palalimin ng dalawang bansa ang pagtitiwalaang pulitikal, at patuloy na katigan ang isa’t isa sa mga isyung may kinalaman sa kani-kanilang nukleo at malaking pagkabahala.

 

Saad ni Xi na patuloy na kakatigan ng Tsina ang pangangalaga ng Barbados sa pagsasarili ng soberanya at landas ng pag-unlad na pinili mismo ng bansang ito.

 

Bukod dito, umaasa aniya siyang palalawakin ng Tsina at Barbados ang kooperasyon sa imprastruktura, digital economy, pagharap sa pagbabago ng klima, bagong enerhiya, agrikultura, kalusugan, kultura at pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Pinasalamatan naman ni Mottley ang tulong ng Tsina para sa paglaban ng Barbados sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansang ito.

 

Ipinahayag niyang matatag na kinakatigan ng kanyang bansa ang prinsipyong isang-Tsina.

 

Umaasa aniya siyang mapapahigpit ng dalawang bansa ang kooperasyon sa pagharap sa pagbabago ng klima, yamang-tubig, digital gap at kalusugan.

 

Matatag na iginigiiit ng Barbados ang multilateralismo at tinututulan ang decoupling, dagdag pa ni Mottley.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil