Xi Jinping, nakipagtagpo sa Punong Ministro ng New Zealand

2023-06-28 10:21:29  CMG
Share with:

Nakipagtagpo kahapon ng hapon, Hunyo 27, 2023 sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Chris Hipkins, Punong Ministro ng New Zealand.

 

Idiniin ni Xi na patuloy at buong sikap na pasusulungin ng Tsina ang de-kalidad na pagbubukas sa labas at mas mainam na pangangalagaan ang kapakanan ng dayuhang pamumuhunan sa Tsina batay sa batas.

 

Tinukoy ni Xi na dapat pasulungin ng dalawang bansa ang pagpapadali at liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng dalawang panig, pahigpitin ang kooperasyon sa edukasyon, kultura, turismo at pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Saad pa ni Xi na maaring magkasamang tulungan ng dalawang bansa ang pag-unlad ng mga bansang isla sa Pacific Ocean.

 

Ipinahayag naman ni Hipkins ang pag-asang sa pamamagitan ng kanyang pagdalaw sa Tsina, hahanapin ang mas maraming pagkakataon ng kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Saad ni Hipkins na kasama ng panig Tsino, nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin ang pagpapalagayan ng mga tao, palawakin at palalimin ang kooperasyon sa kabuhayan, edukasyon, siyensiya’t teknolohiya, at kultura.

 

Nakahanda ang New Zealand na panatilihin ang pagkikipag-ugnayan sa Tsina hinggil sa pagbibigay-tulong sa pag-unlad ng mga bansang isla, dagdag pa niya.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil