Premyer Tsino: Dapat pahigpitin ng komunidad ng daigdig ang pagkakaisa para harapin ang hamong pandaigdig

2023-06-28 10:06:42  CMG
Share with:

Sa seremonya ng pagbubukas ng Summer Davos Forum na idinaos Hunyo 27, 2023 sa Tianjin, Tsina, nanawagan si Premyer Li Qiang ng Tsina sa komunidad ng daigdig na mas mahigpit na pahalagahan ang pagkakaisa at pagtutulungan, itatag ang ideya ng win-win cooperation at magkakasamang harapin ang mga hamong pandaigdig.

 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Li na dahil sa kinakaharap na masalimuot na kalagayang pandaigdig, dapat pahigpitin ang diyalogo sa pagitan ng iba’t ibang bansa, nasyon at sibilisasyon at paliitin ang pagkakaiba sa pagitan ng isa’t isa.

 

Ipinahayag ni Li na noong nakaraang 10 taon, ang Tsina ay mahalagang puwersa ng matatag na paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at gumanap ng mahalagang papel para sa pag-unlad ng kabuhayan at kalakalan ng buong daigdig.

 

Saad pa ni Li na sa kinabukasan, patuloy na magpapasulong ang Tsina ng pagbangon at paglaki ng kabuhayang pandaigdig at magkakaloob ng pagkakataon ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan para sa mga mamumuhunan ng iba’t ibang bansa.

 

Bukod dito, idiniin ni Li na kasama ng mga mangangalakal ng iba’t ibang bansa, nakahanda ang Tsina na pangalagaan ang globalisasyon ng kabuhayan, market economy at malayang kalakalan.

 

Dumalo sa porum na ito ang halos 1500 kinatawan ng mahigit 90 bansa, rehiyon at pandaigdigang organisasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil