Paninindigang Tsino sa usapin ng pagkakaisa ng daigdig, inilahad

2023-06-29 14:57:27  CMG
Share with:

Hunyo 28, 2023 – Tinukoy ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawang Tsino sa Tanggapan ng UN sa Geneva at ibang mga pandaigdigang organisasyon, sa Ika-53 Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), na palagi at matatag na pinapasulong ng Tsina ang pagkakaisa ng daigdig, konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, at pagtatayo ng mas magandang daigdig.

 

Ani Chen, ang pagpapasulong ng usapin sa karapatang pantao ay nangangailangan ng pagkakaisa at kooperasyon, sa halip ng paghihiwalay at komprontasyon.

 

Nanawagan siya sa iba’t ibang bansa na sundin ang prinsipyo at layunin ng Karta ng UN, isagawa ang pagpapalitan at kooperasyon sa pundasyon ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa isa’t-isa, at magkasamang tutulan ang pagsasapulitika ng isyu ng karapatang pantao.


Salin:Ernest

Pulido: Rhio