Mahigit 1,500 personahe mula sa sirkulong pulitikal, komersyal, at akademiko ng halos 100 bansa’t rehiyon ang dumalo sa Ika-14 na Taunang Pulong ng New Champions, o kilala rin bilang Summer Davos Forum.
Isa sa mga pangunahing tema nito ay “pagpapanumbalik ng paglaki.”
At para magkaroon ng paglaki, kailangan din ang puwersang panulak.
Bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig at bansang nangunguna sa kabuuang halaga ng kalakalan ng paninda sa nagdaang 6 na taong singkad, ang Tsina ay pokus.
Nitong 10 taong nakalipas, umabot sa 6.2% ang taunang paglaki ng kabuhayang Tsino, at mahigit sa 30% ang pangkaraniwang lebel ng kontribusyon nito sa kabuhayang pandaigdig – bagay na naging pinakamahalagang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayan ng mundo.
Kaugnay nito, sinabi ni Alex Zhavoronkov, kinatawan ng mga negosyante ng Kanada, na may kompiyansa ang mga kalahok sa merkado, kakayahan sa pagpapatatag ng paglaki at pagpigil sa implasyon, at lebel ng inobasyon ng Tsina.
Sa kabila ng ilang tinig mula sa ilang bansang Kanluranin, na nagsusulong ng “decoupling” at “de-risking” sa Tsina, ang posisyon ng nasabing mga kinatawan ay patunay na ang tinig mula sa ilang bansang Kanluranin ay lumalabag sa alintuntuning pangkabuhayan at di rin katanggap-tanggap.
Ngayo’y nasa mataas nang lebel ang globalisasyon, at ang di-pag-unlad at kawalan ng kooperasyon ay nagbibigay ng tunay na panganib.
Ayon sa pagtaya ng World Economic Forum (WEF), kung masasadlak ang daigdig sa “decoupling” o “pagkalas,” 7% hanggang 9% ng GDP ng buong mundo ay mawawala.
Salin: Lito
Pulido: Rhio