PM ng Tsina at Mongolia, nag-usap: sumaksi sa paglagda ng mga dokumentong pangkooperasyon

2023-06-29 14:47:25  CMG
Share with:

 

Sa pag-uusap, Hunyo 28, 2023 sa Beijing nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministro Luvsannamsrai Oyun-Erdene ng Mongolia, tinukoy ni Li na kasama ng Mongolia, nais ng Tsina na magkaroon ng pagtutulungan ang isa’t-isa hinggil sa mga isyung malaking pinahahalagahan ng kapuwa bansa, may kinalaman sa nukleong kapakanan, at pagpapalalim ng aktuwal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

 

Ani Li, dapat isaayos ng dalawang panig ang paghuhugpong ng estratehiya ng dalawang panig; magkasamang itatag ang de-kalidad na kooperasyon sa Belt and Road Initiative (BRI); pabutihin ang pagpapalagayan sa kalakalan at pamumuhunan; at palawakin ang kooperasyon sa mga larangan ng enerhiya, transportasyon sa hanggahan, pagpigil at pagkontrol sa desertipikasyon, turismo at edukasyon.

 

Ipinahayag naman ni Oyun-Erdene na priyoridad ng kanyang bansa ang pagpapalakas ng kooperasyon sa Tsina.

 

Kasama ng Tsina, nakahanda aniya ang Mongolia na palalimin ang kooperasyon sa hanggahan ng dalawang bansa, enerhiya, pagmimina, at pagpigil at pagkontrol sa desertipikasyon.

 

Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang sinaksihan ng dalawang lider ang paglagda sa mga dokumento ng bilateral na kooperasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio