Sinusubaybayan ng Tsina ang pulong panseguridad ng Amerika, Hapon at Pilipinas

2023-06-30 16:15:12  CMG
Share with:

Sa isang pulong panseguridad na idinaos kamakailan, tinalakay ng Amerika, Hapon at Pilipinas ang di-umanong hamong panseguridad sa East China Sea, South China Sea at iba pang rehiyon, at ipinahayag nilang isasakatuparan ang regular na magkakasanib na pagsasanay sa South China Sea.

 

Kaugnay nito, hinimok Hunyo 29, 2023, ni Zhang Xiaogang, Tagapagsailta ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na itigil ng mga kinauukulang bansa ang pagkapinsala sa soberaniya, teritoryo, at karapatan sa dagat ng Tsina, at mga pananalita at aksyon na magdudulot ng pagiging mas masalimuot na kalagayan.

Si Zhang Xiaogang, Tagapagsailta ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina


Ipinahayag ni Zhang na palagiang nananangan ang Tsina na ang bilateral at multilateral na kooperasyong panseguridad ay makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, sa halip na pag-target sa ikatlong panig, o pagkapinsala sa kapakanan ng ikatlong panig.

 

Aniya, sa kasalukuyan, matatag sa kabuuan ang kalagayan ng East China Sea at South China Sea. Ngunit, para sa nitong sariling interes, ang ilang bansa sa labas ng rehiyon ay naging abala sa pagpuputik ng tubig sa pamamagitan ng papupukaw ng militar at konprontasyon ng bloc, na gawing mas mahigpit ang kalagayan.

 

Dapat alertuhan ng mga bansang panrehiyon ang hinggil dito para maiwasan ang kapinsalaan sa kapakanan ng sariling bansa.

 

 

Ang Tsina aniya ay matatag na tagapagtanggol at tagapagtayo ng “rule of law” sa dagat, at palagiang nagsisikap ang Tsina para maayos na lutasin ang alitan sa pamamagitan ng talastasan.

 

Mahigpit na susubaybayan ng hukbong Tsino ang pagbabago ng kalagayan, isasagawa ang mas malakas na hakbangin, para matatag na mapangalagaan ang soberanya ng bansa, kaligtasan at kapakanan ng pag-unlad, dagdag ni Zhang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil