Kaugnay ng pagbisita ng delegasyon ng mga mambabatas ng Amerika sa Taiwan, hinimok Huwebes, Hunyo 29, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), ang panig Amerikano na sundin ang prinsipyong isang Tsina, magtadhana ng tatlong magkasanib na komunike ng dalawang bansa, at itigil ang pagpapadala ng maling signal sa puwersa ng di-umanoy “pagsasarili ng Taiwan.”
Nauna rito, ipinahayag Miyerkules, Hunyo 28, ni Vedant Patel, Pangalawang Tagapagsalita ng Departamento ng Estado ng Amerika, na ang naturang pagbisita ay hindi nangangahulugan ng pagbabago ng patakaran ng Amerika sa Taiwan. Sinabi niyang ang naturang aksyon ay walang kaugnay sa administratibong departamento ng Amerika at walang balak ang panig Amerikano na babaguhin ang kasalukuyang kalagayan at pasisidhiin ang tensyon ng kalagayan.
Kaugnay nito, tinukoy ni Mao na ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina.
Saad ni Mao na matatag na tinututulan ng panig Tsino ang anumang paraan ng opisiyal na pagpapalagayan sa pagitan ng Amerika at Awtoridad ng Taiwan at dapat sundin ng mga organo ng Amerika na kinabibilangan ng administrasyon, lehislasyon at hudisyal, ang patakarang panlabas na kinikilala at ipinangako ng pamahalaang Amerikano.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil