Magkasanib na pagsasanay ng hukbong panghimpapawid, idaraos ng Tsina at Thailand

2023-07-02 13:50:06  CRI
Share with:

Ayon sa taunang plano at napagkasunduan ng Tsina at Thailand, isang magkasanib na ensayo ng hukbong panghimpapawid ng dalawang bansa na may codename na “Falcon Strike 2023” ang idaraos sa Udorn Royal Thai Air Force Base ngayong buwan.


Layon nitong palalimin ang pragmatikong pagpapalitan at pagtutulungan ng mga hukbong panghimpapawid ng Tsina at Thailand, at payamanin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng kapuwa bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio