Seoul — Isang asembleya ang idinaos, Hulyo 1, 2023 ng Minjoo Party of Korea, pinakamalaking partido oposisyon ng Timog Korea bilang pagkondena sa pagtatapon ng Hapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat.
Ayon sa naturang partido, halos 100 libo katao ang lumahok sa nasabing pagtitipon.
Ayon kay Lee Jae-myung, Presidente ng Minjoo Party of Korea, kung parurumihin ng Hapon ang dagat, dapat malinaw na ipahayag ng pamahalaang Timog Koreano ang pagtutol dito.
Nanawagan din ang partido sa mga mamamayang Timog Koreano na magkaisa upang tutulan ang plano ng Hapon at ipagtanggol ang kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan ng bansa.
Salin: Lito
Pulido: Rhio