Isang seremonya ang idinaos Hulyo 1, 2023 ng pamahalaan ng Brunei sa Brunei International Airport bilang pagdiriwang sa pagpapanumbalik ng direktang biyahe mula Beijing papunta sa bansa pagkatapos ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at mainit na pagtanggap ng unang grupong panturista mula Beijing.
Sinalubong sa paliparan ng mga opisyal ng embahadang Tsino sa Brunei at mataas na opisyal ng Ministri ng Turismo ng Brunei ang 110 turistang Tsino.
Ipinahayag ni Xiao Jianguo, Embahador ng Tsina sa Brunei, na ang transnasyonal na paglalakbay ay isa sa mga mahalagang paraan sa pagpapalitang pangkultura ng dalawang bansa.
Umaasa aniya siyang tutupdin at igagalang ng mga turistang Tsino ang lokal na batas at kaugalian.
Ipagkakaloob ng embahada ang mabuting serbisyo para sa mga turista, aniya pa.
Salin: Lito
Pulido: Rhio