Sa isang pulong na idinaos kagabi, Hulyo 2, 2023 sa Elysee Palace, hiniling ni Panglong Emmanuel Macron ng Pransya sa pamahalaang sentral na isagawa ang mga kaukulang hakbangin para mapanumbalik ang pambansang kaayusan.
Ayon sa media ng bansa, makikipagtagpo Hulyo 3 (lokal na oras), si Macron kina Yaël Braun-Pivet, Ispiker ng Pambansang Asembleya at Gérard Larcher, Presidente ng Senado.
Bukod pa riyan, nakatakda ring makipagtagpo si Macron sa mga namamahalang tauhan ng mahigit 220 lunsod at nayon na malubhang apektado ng kasalukuyang kaguluhan.
Sa kabilang dako, ipinatalastas ni Gerald Darmanin, Ministro ng mga Suliraning Panloob ng Pransya, na noong gabi ng Hulyo 2, itinalaga sa buong bansa ang mahigit 45 libong pulis at military police para harapin ang kaguluhan.
Matatandaang noong Hunyo 27, isang 17 taong gulang na bata ang binaril ng pulis dahil sa pagtanggi nitong ihinto ang kotseng minamaneho sa tabi ng kalye.
Dahil dito, nagsimulang maganap ang mga kaguluhan sa mga lunsod ng Pransya mula gabi ng Hunyo 28.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio