Ayon sa magkasanib na pahayag na inilabas Hulyo 1, 2023 sa website ng pangulo ng Ukraine, ipinahayag ni Pedro Sánchez Pérez-Castejón, Punong Ministro ng Espanya, na aktibong lalahok ang kanyang bansa sa rekonstruksyon ng Ukraine at ipapadala nito ang mga bagong heavy equipment sa bansa.
Ayon pa sa magkasanib na pahayag, kapuwa ipinalalagay ng dalawang bansa na dapat ipagpatuloy ang sangsyon sa Rusya.
Sa kabilang dako, ipinahayag naman nang araw ring iyon ni Sergey Ryabkov, Pangalawang Ministorng Panlabas ng Rusya, na ang pagtatalaga ng Rusya ng mga sandatang nuklear sa Belarus ay hindi lumalabag sa Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT), dahil hindi ibibigay sa Belarus ang kontrol sa naturang mga sandatang nuklear.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio