Pangulong Tsino: Kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at win-win na situwasyon, kasalukuyang agos ng panahon

2023-07-04 16:43:06  CMG
Share with:

Sa kanyang naka-video na talumpati sa Ika-23 Pulong ng Council of Heads of State ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idinaos ngayong araw, Hulyo 4, 2023 sa Indiya, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsna, na ang kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at win-win na situwasyon ay ang kasalukuyang agos ng pag-unlad panahon.

 

Sa kasalukuyan, malaking hamon ang kinakaharap aniya ng buong sangkatauhan, kaya dapat igiit ang tamang direksyon ng pag-unlad at palalimin ang pagkakaisa at pagtitiwalaan sa pagitan ng mga bansa.

 

Tinukoy ni Xi na kasama ng komunidad ng daigdig, nakahandang magsikap ang Tsina upang isakatuparan ang Global Security Initiative (GSI), at igiit ang paglutas sa mga hidwaan ng mga bansa sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian para isakatuparan ang pangmatalagang katatagan at kapayapaang panrehiyon.

 

Bukod dito, nakahanda ring pasulungin ng Tsina ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan para mabenepisyuhan ang mas maraming mamamayan, saad niya.

 

Sa paanyaya ni Punong Ministro Narendra Modi ng Indiya, dumalo si Xi sa pulong via video link.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio