Magkakasamang pagsisikap, kailangan sa pag-unlad ng buong sangkatauhan - Xi Jinping

2023-07-04 17:09:22  CMG
Share with:

Sa kanyang liham na pambati, Hulyo 3, 2023 sa Ika-3 Dialogue on Exchanges and Mutual Learning Among Civilizations at Unang World Conference of Sinologists, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng iba’t-ibang panig, para isulong ang mga unibersal na pagpapahalagang kinabibilangan ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay, katarungan, demokrasya, at kalayaan, upang pasulungin ang pag-unlad ng sibilisasyon ng buong sangkatauhan.

 

Bilang tulay ng pagpapalitan sa pagitan ng sibilisasyong Tsino at dayuhan, umaasa siyang mas aktibong magsisikap ang mga sinologist ng iba’t-ibang bansa, para pabutihin ang pagkaunawa, pagkakaibigan at pagtutulungan ng Tsino at mga bansang dayuhan.

 

Ang aktibidad ay itinaguyod ng Chinese Association for International Understanding sa lunsod Beijing.

 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio