Embahador Tsino at Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, nagtagpo

2023-07-05 13:17:38  CMG
Share with:

 

Nagtagpo Martes, Hulyo 4, 2023 sa Washington D.C. sina Xie Feng, Embahador Tsino sa Amerika at Janet Yellen, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, para magpalitan ng palagay hinggil sa relasyong Sino-Amerikano at mga isyu ng multilateral at bilateral na kabuhayan at pinansiya.

 

Ipinahayag ni Xie na ang matatag at malusog na relasyong Sino-Amerikano ay hindi lamang angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa, kundi maging komong ekspektasyon ng komunidad ng daigdig.

 

Umaasa aniya siyang aktuwal na maisasakatuparan ng Amerika ang mga komong palagay ng pangulo ng dalawang bansa at maisasagawa ang aktuwal na aksyon para kontrolin ang hidwaan ng dalawang bansa at isagawa ang kooperasyon.

 

Inilahad ni Xie ang mga pangunahing pagkabahala ng panig Tsina sa isyu ng kabuhayan at kalakalan. Hiniling din niya sa panig Amerikano na isagawa ang aktuwal na aksyon para lutasin ang naturang mga isyu.

 

Kapwa ipinahayag nina Xie at Yellen na matapat at konstruktibo ang kanilang pagtatagpo.

 

Sumang-ayon sila sa pagpapatuloy ng pag-uugnayan.


Salin: Ernest 

Pulido: Ramil