Sa ika-23 Pulong ng Council of Heads of State ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idinaos Martes, Hulyo 4, 2023, pormal na tinanggap ng SCO ang Iran bilang kasaping bansa nito.
Hanggang sa kasalukuyan, may 9 na kasaping bansa ang SCO.
Ang SCO ay itinatag noong 2001 at ang mga tagapagtatag na bansa ay ang Tsina, Rusya, Tajikistan, Uzbekistan, Kazakhstan, at Kyrgyzstan.
Noong 2017, ang Pakistan at India ay naging kasaping bansa ng SCO.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil