Liham ng mga dayuhang estudyante, sinagot ni Xi

2023-07-05 16:16:30  CMG
Share with:

Sa kanyang sagot Hulyo 4, 2023, sa liham ng mga dayuhang estudyante ng Nanjing Audit University ng Tsina na nag-aaral sa Master of Auditing Program, pinasigla sila ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina para bigyang-ambag ang pagpapalalim ng pagkakaibigan at kooperasyon sa pagitan ng Tsina at kani-kanilang bansa.

 

Ipinahayag din ni Xi ang pagkagalak hinggil sa natamong bunga ng pag-aaral sa Tsina ng naturang mga estudyante.

 

Umaasa ani Xi na mapapalalim nila ang pagkaunawa sa Tsina sa pamamagitan ng pag-aaral ng auditing.

 

Mula 2016 hanggang sa kasalukuyan, mahigit 280 dayuhang estudyante ng 76 bansa sa kahabaan ng Belt and Road Initiative ang nag-aral ng program ng auditing sa Nanjing Audit University.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil