Sa kanyang video speech sa Pulong ng Council of Heads of State ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) Hulyo 4, 2023, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat pahigpitin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng SCO para mas maayos na mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng daigdig.
Sa kasalukuyan, nagiging mas masalimuot ang kalagayan ng daigdig, at ito’y nagbabanta sa pag-unlad ng buong sangkatauhan.
Bilang tugon sa naturang kalagayan, iniharap ni Xi ang paninindigang Tsino hinggil sa pag-unlad ng SCO sa hinaharap.
Ani Xi, ang hangarin ng mga mamamayan sa magandang pamumuhay ay ambisyon ng SCO at ang kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at win-win na situwasyon ay ang kasalukuyang agos ng pag-unlad ng panahon.
Iniharap ni Xi ang mga mungkahi na kinabibilangan ng pagpapahigpit ng pagkakaisa at pagtitiwalaan, paggarantiya sa komong seguridad, pagpapasulong ng aktuwal na kooperasyon, at pagpapalalim ng pagpapalitan at pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.
Nanawagan si Xi sa SCO na patingkarin ang common value ng buong sangkatauhan na kinabibilangan ng kapayapaan, kaunlaran, katarungan, pagkakapantay-pantay, demokrasya at kalayaan, at buong sikap na pasulungin ang modernisasyon ng buong sangkatauhan.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil