Beijing, Hulyo 4, 2023 — Sa kanyang instruksyon pagkatapos ng tuluy-tuloy na malakas na pag-uulan sa Chongqing Municipality, timog kanluran ng Tsina, na nagdulot ng malaking kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian, hiniling ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga awtoridad sa lahat ng lebel na dapat bigyan ng pangunahing priyoridad ang kaligtasan ng mga mamamayan at ari-arian, at magsikap ng husto upang mabawasan ang mga kapinsalaan dulot ng pagbaha.
Hiniling ni Xi sa State Flood Control and Drought Relief Headquarters at ministries of emergency management and water resources na palakasin ang koordinasyon, konsultasyon at pananaliksik, at pagbutihin ang pagbibigay ng maagang babala at hula sa baha.
Binigyan-diin ni Xi na ang mga nangungunang opisyal sa lahat ng antas ay dapat manguna sa paglaban sa baha, unahin ang kaligtasan at ari-arian ng mga mamamayan, at magsikap para mabawasan ang kapinsalaan sa iba’t ibang uri.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil