Eco Forum Global Guiyang 2023, binuksan

2023-07-09 13:52:16  CRI
Share with:

Sa ilalim ng temang “Seeking Modernization of Harmonious Coexistence Between Man and Nature — Promoting Green and Low-carbon Development,” binuksan Hulyo 8, 2023 ang Eco Forum Global Guiyang 2023 sa lunsod Guiyang, probinsyang Guizhou ng Tsina.


Sa kanyang  talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Liu Guozhong, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Premyer ng bansa, na bilang pandaigdigang porum sa pambansang lebel, 10 taon nang matagumpay na idinaraos ang Eco Forum Global Guiyang.


Ito aniya ay nagsisilbing mahalagang plataporma sa pagpapasulong ng konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal at sustenableng pag-unlad ng buong mundo.


Ipinagdiinan niyangmahalaga sa pamahalaang Tsino ang konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal.


Sa patnubay ni Pangulong Xi Jinping, historikal at komprehensibong pagbabago ang nagaganap nitong 10 taong nakalipas sa pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ng bansa, ani Liu.


Dagdag niya, komong responsibilidad ng buong sangkatauhan ang pagpapasulong ng maharmonyang pakikipamuhayan sa pagitan ng tao at kalikasan.


Kasama ng iba’t-ibang bansa sa daigdig, ibayo pang palakasin ng Tsina ang pagpapalitan at pagtutulungan sa usaping ito, aktibong makikilahok sa pagsasa-ayos ng kapaligiran ng daigdig, at mataimtim na ipapatupad ang mga pandaigdigang kasunduan upang mapasulong ang konstruksyon ng sibilisasyong eekolohikal ng daigdig, diin pa niya.


Salin: Lito

Pulido: Rhio