Beijing — Sa pag-uusap Hunyo 8, 2023 nina He Lifeng, Pangalawang Premyer ng Tsina, at Janet Yellen, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, malalim, matapat, at pragmatiko nilang tinalakay ang tungkol sa pagsasakatuparan ng mahahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa sa Bali Island, Indonesya kaugnay ng kalagayang pangkabuhayan at pampinansya ng dalawang bansa at buong daigdig, at kooperasyong Sino-Amerikano sa pagharap sa mga komong hamong pandaigdig, at iba pang isyu.
Konstruktibo ang kanilang pag-uusap.
Sumang-ayon din ang kapuwa panig na ituloy ang pagpapalitan at pagpapalagayan.
Sa kabilang dako, ipinahayag ng panig Tsino ang pagkabahala sa mga ipinapataw na sangsyon ng Amerika sa Tsina.
Salin: Lito
Pulido: Rhio