Sa kanyang mensahe ngayong araw, Hulyo 10, 2023 sa unang high-level conference ng Forum on Global Action for Shared Development (GASD) na binuksan sa Beijing, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na kinakaharap ng kasalukuyang kabuhayan at pag-unlad ng daigdig ang mga hamon at kahirapan.
Upang ipunin ang komong palagay at pasulungin ang komong pag-unlad, iniharap ng panig Tsino ang Global Development Initiative (GDI) para pabilisin at pasulungin ang proseso ng 2030 United Nations Agenda for Sustainable Development (UNSDG), dagdag ni Xi.
Saad ni Xi, nais niyang makitang makinabang ang mga umuunlad na bansa sa kooperasyon ng GDI.
Palagian aniyang ipinagkakaloob ng Tsina ang bagong pagkakataon para sa pag-unlad ng daigdig sa pamamagitan ng sariling kaunlaran, at kasama ng komunidad ng daigdig, ibayong magsusumikap ang Tsina upang sustenableng mapasulong ang pagsasakatuparan ng GDI tungo sa pag-abot ng target ng 2030 UNSDG sa nakatakdang panahon.
Sa ilalim ng temang “Global Development Initiative: Echo the Development Agenda and Call for Global Action,” ang naturang komperensya ay itinaguyod ng China International Development Cooperation Agency.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio