Dumalo kahapon sa Beijing, Hulyo 10, 2023 si Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo at Direktor ng Tanggapan ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa unang high-level conference ng Forum on Global Action for Shared Development (GASD) na binuksan nang araw ring iyon.
Bumigkas si Wang ng mensaheng pambati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pulong na ito.
Ipinahayag ni Wang na ang mensahe ni Xi ay nagpapakita ng matapat na hangarin ng Tsina sa pagpapasulong ng 2030 United Nations Agenda for Sustainable Development (UNSDG).
Sinabi ni Wang na sapul nang iniharap ni Xi ang Global Development Initiative (GDI) noong 2021, isinagawa ng Tsina, kasama ng mga kaibigan sa iba’t ibang panig, ang mga aktuwal na kooperasyon para pasulungin ang progreso ng UNSDG at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.
Saad pa ni Wang na sa susunod na yugto, isasagawa ng Tsina ang mas maraming mabisa, positibo at sustenableng hakbangin para pasulungin ang pagsasakatuparan ng GDI sa iba’t ibang lugar at larangan.
Dumalo din sa pulong na ito ang mga kinatawan ng 158 bansa at pandaigdigang organisasyon.
Salin:Ernest
Pulido: Ramil