Wang Yi, dadalo sa mga pulong ng ministrong panlabas ng Silangang Asya

2023-07-11 16:19:57  CMG
Share with:

Ipinatalastas ngayong araw, Hulyo 11, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na si Wang Yi, Direktor ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ay dadalo sa pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at ASEAN (10+1), pulong ng mga minstrong panlabas ng Tsina, Timog Korea, Hapon at ASEAN (10+3), pulong ng mga ministrong panlabas ng East Asia Summit at pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN Regional Forum (ARF).

 

Idaraos ang naturang mga pulong mula Hulyo 13 hanggang Hulyo 14, sa Jakarta, Indonesya.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil