Beijing — Idinaos Hulyo 11, 2023 ang seremonya ng pagbubukas ng embahada ng Solomon Islands sa Tsina.
Kasama ni Punong Ministro Manasseh Sogavare ng Solomon Islands, inalisan ni Wang Yi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ng tabing ang embahadang ito.
Sa ngalan ng panig Tsino, ipinaabot ni Wang ang mainit na pagbati sa pagbubukas ng embahada ng Solomon Islands sa Tsina.
Ipinahayag niyang makaraang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Solomon Islands, sumusulong ang komprehensibong pagpapalagayan ng dalawang bansa.
Ito aniya ay malakas na nakakapagpasulong sa pag-unlad ng Solomon Islands at nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan nito.
Ipinahayag naman ni Sogavare na buong tatag na pauunlarin ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina.
Iginigiit aniya ng kanyang bansa ang prinsipyong isang-Tsina. Isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina ang Taiwan, diin niya.
Salin: Lito
Pulido: Ramil