Desisyon sa Arbitrasyon ng SCS, iligal at walang bisa – Tsina

2023-07-13 15:48:20  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Hulyo 12, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang desisyon sa di-umano’y Arbitrasyon sa South China Sea ay iligal at walang bisa.

 

Base aniya sa pahayag ng MOFA noong Hulyo 12, 2016, ang nasabing arbitrasyon ay salungat sa prinsipyo ng “state consent.”

 

Ito rin aniya ay paglilitis na labis sa saklaw ng sariling hurisdiksyon, at malubhang lumabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at pangkalahatang internasyonal na batas.

 

Saad pa ni Wang, hindi tinatanggap at kinikilala ng Tsina ang naturang desisyon, at anumang aksyon at paninindigang batay rito.

 

Nang araw ring iyon, inilabas ni Kalihim Enrique Manalo ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ang pahayag bilang paggunita sa ika-7 anibersaryo ng desisyon sa Arbitrasyon sa South China Sea.

 

Sinabi ni Wang na sa kasalukuyan, komprehensibo at mabisang isinasakatuparan ng Tsina at mga bansang ASEAN ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), at aktibong pinapasulong ng pagsasanggunian sa pagkakaroon ng Code of Conduct in the South China Sea (COC).

 

Aniya, sang-ayon ang mga may kinalamang panig sa maayos na paghawak sa mga hidwaang pandagat sa pamamagitan ng direktang diyalogo at pagsasanggunian, at magkasamang pangangalaga ng Tsina at ASEAN sa katatagan at kapayapaan ng SCS.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio