CMG Komentaryo: Bakit madalas na binanggit ang Tsina sa NATO Summit?

2023-07-14 12:04:19  CMG
Share with:

Ipininid Hulyo 12, 2023 (lokal na oras), sa Vilnius ang Summit ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).


Sa magkakasanib na komunike na ipinalabas Hulyo 11, mahigit sampung beses nitong binanggit ang Tsina, at muli nitong inihayag na nagdudulot ang Tsina ng “sistematikong hamon” sa seguridad ng Europe-Atlantic.


Ngunit ayon sa agenda ng NATO, ang situwasyon ng Ukraine at pagpapalawak nito ay ang pokus ng nasabing summit. Bakit madalas nito binanggit ang Tsina?


Bilang pinakamalaking alyansang militar sa buong mundo, ang pundamental na puwersang-panulak ng ekstensiya nito ay dapat mayroong isang kalaban.


Paano ba matitiyak ang kalabang ito? Ayon sa ilang bersyon ng dokumentong “estratehikong konsept” ng NATO matapos ang Cold War, ang lahat ng pagbabago nito ay sumusunod sa estratehiya ng Amerika, at nagpapakita ng estratehikong kahilingan ng Amerika.


Makaraang umakyat sa puder ang pamahalaan ni Joe Biden, mali nitong tinagurian ang Tsina bilang “pinakamahalagang estratehiko’t kompetitibong kalaban,” at malinaw din nitong iniharap na kailangang lumahok ang NATO sa “Indo-Pacific strategy.”


Sa pamumuno ng Amerika, nagiging mas matigas ang atityud ng NATO sa Tsina. Minarkahan din nito ng “sistematikong hamon” ang Tsina na nagtatangkang panghimasukan ang mga suliranin ng rehiyong Asya-Pasipiko sa katuwirang ito.


Hanggang sa ngayon, sa ilalim ng presyur ng Amerika, ang NATO ay nagsisilbing tagapagtanggol sa kapakanan ng Amerika sa halip ng tagapagsalita para sa katiwasayan ng Europa.


Obdiyektibong masasabi na sa loob ng NATO ay mayroong ilang rasyonal na tinig.


Iginigiit ng ilang kasaping bansa ng NATO na gaya ng Pransya ang paghahanap ng estratehikong independiyente ng Europa.


Ipinalalagay nilang hindi dapat lumabas ang NATO sa purok-hanggahan ng North Atlantic, at hindi dapat nito itatag ang liaison office sa Hapon.


Sa isang preskong idinaos pagkatapos ng summit, ipinahayag ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya na ang Hapon ay hindi nasa rehiyong North Atlantic.


Salin: Lito

Pulido: Ramil