Ayon sa datos na ipinalabas Hulyo 15, 2023 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, naisakatuparan ng Tsina ang mabuting anihan sa pagkain sa Tag-init sa kasalukuyang taon.
Lumampas sa 146.1 milyong tonelada ang bolyum ng anihan ng pagkain sa Tag-init sa buong Tsina.
Bukod pa riyan, sustenableng lumalaki ang saklaw ng pinagtataniman ng mga pagkain sa Tag-init.
Sa kasalukuyang taon, mahigit 26.6 milyong ektarya ang saklaw ng pinagtataniman ng pagkain sa Tag-init.
Mas malaki ito ng 78.5 ektaryta kumpara sa taong 2022.
Salin: Lito
Pulido: Ramil