Hindi bababa sa 5 ang nasawi dahil sa baha sa Pennsylvania, Amerika

2023-07-17 16:45:24  CMG
Share with:

Ayon sa lokal na opisyal ng Pennsylvania, Amerika, hindi bababa sa 5 katao ang nasawi at 2 katao ang nawawala dahil sa baha dulot ng malakas na pag-ulan.

Floodwaters rise in Bridgewater, Vermont, July 10, 2023, submerging parked vehicles and threatening homes near the Ottauquechee River. /CFP


Batay sa mga ulat mula sa mga lokal na opisyal at media, ang Upper Meckfield, 56 kilometro sa hilagang-silangan ng Philadelphia, ang pinakamalaking lungsod sa Pennsylvania, ay nakaranas ng malakas na ulan noong gabi ng ika-15 ng Hulyo, na nagdulot ng pagbabaha sa maraming lugar.

 

Sa kasalukuyan, ang bayan ng Upper Meckfield ay nagdeklara ng state of disaster emergency.

 

Ang Pennsylvania, Vermont, New York at iba pang hilagang-silangang rehiyon ng Estados Unidos ay tinamaan ng matinding bagyo nitong mga nakaraang araw, na nagdulot ng mga pagbaha sa maraming lugar at nagdudulot ng pagkawala ng buhay at ari-arian.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil