UN: Patuloy na pasulungin ang pagpasok ng mga produktong agrikultural ng Rusya at Ukraine sa pamilihang pandaigdig

2023-07-18 11:05:03  CMG
Share with:

 

Sa news briefing ng punong himpilan ng UN Lunes, Hulyo 17, 2023, ipinahayag ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), ang lubos na kalungkutan sa kapasiyahan ng Rusya sa pagsuspendi ng Black Sea Grain Initiative.

 

Sinabi pa niyang kahit isinagawa ng Rusya ang ganitong kapasiyahan, patuloy na magsisikap ang UN para pasulungin ang maalwang pagpasok ng mga produktong agrikultural ng Rusya at Ukraine sa pamilihang pandaigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil